02 Jul

Tagalog Christian Songs  | Mga Salita ng Diyos Ang Katotohanang Kailanma'y Di-nagbabago

I

Salita ng Diyos ay totoo, kailan ma’y ‘di magbabago

Diyos ang naglalaan sa buhay, tanging gabay

Halaga’t kahulugan ng Kanyang Salita, nababatid ng isip at diwa nila,

Kahit pa ‘di tanggapin o kilalanin.

Kahit pa walang taong tumanggap ng Salita N’ya,

kahalagaha’t pagtulong N’ya sa tao’y ‘di masusukat.

Salita ng Diyos ay totoo, kailan ma’y ‘di magbabago

Diyos ang naglalaan sa buhay, tanging gabay

II

Doon sa lumalaban, ‘di tumanggap at ‘di gumagalang sa Kanyang Salita

Tugon ng Diyos sa kanila ay ito :

Oras at Katotohana’y magiging saksi, 

Salita Niya’y katotohanan daan at buhay

Lahat ng sinabi N’ya ay tunay,

dapat na S’yang taglayin sundin ng tao

Salita ng Diyos ay totoo, kailan ma’y ‘di magbabago

Diyos ang naglalaan sa buhay, tanging gabay

III

Sa lahat ng sumusunod sa Kanya, ipaaalam ng Diyos ang s’yang patunay

Sa ‘di tumatanggap ng Kanyang salita, at ito’y hindi isinasagawa

At sa ‘di makatuklas ng s’yang layunin, at mabigong kaligtasan ay tanggapin

Sa salita rin ng Diyos sila ay hahatulan,

kaligtasan ng Diyos sa kanila ay nawala

Kaparusahan nga’y hindi matatakasan

Salita ng Diyos ay totoo, kailan ma’y ‘di magbabago

Diyos ang naglalaan sa buhay, tanging gabay

Salita ng Diyos ay totoo, kailan ma’y ‘di magbabago

Diyos ang naglalaan sa buhay, tanging gabay

mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin


Commenti
* L'indirizzo e-mail non verrà pubblicato sul sito Web.
QUESTO SITO È STATO CREATO TRAMITE